Loading...

‘Picstagram’ – Proudly Pinoy made na pwedeng pantapat sa Facebook

Isang Filipino programmer at entrepreneur sa Dubai ang may panghamon sa social media networking site na Facebook sa kaniyang nabuong Picstagram site.

Hango ito sa salitang picture at telegram na ani Louie Romero, 41-years old at tubong Maynila, ay simpleng sistema na pagpapadala ng customized pictures tulad ng messaging app na Telegram.

Nagawa daw niya ito dahil sa kakaibang hilig ng mga Pinoy sa social media na pwede naman daw nilang pagkakitaan.

“Para po ang mga Filipino na mahilig mag social networking, na pwede silang maglaro ng games and they can earn from a social network,” paliwanag ni Romero.

Dagdag niya na sa Picstagram, ang user ay maaaring maglaro ng unlimited games at maki-kumpetensiya sa ibang tao at maki-socialize online pero ang pinaka mahalaga ay kumita sa pamamagitan ng referral links at advertising.

Unang nailunsad ni Romero ang programa sa Dubai noong 2016 sa tulong ng mga investments ng mga Filipino sa lungsod na karamihan ay mga kasambahay at mga simpleng empleyado na may malaking pangarap na ang kumpanya ay lumaki tulad ng Facebook.

Ang isang share ng mga kasambahay ay nasa dalawang daang dirhamo (P3,000) sabi ni Romero.

Nabangit niya na ang hamon sa negosyong ito ay yung pondong pang maintain sa website na mapadami pa ang mga users na gumagamit nito ng libre.

Nagpayo siya sa mga kapwa Pinoy na nagbabalak maging entrepreneurs na maniwala lang sa sarili, at maglaan ng oras para maging posible ang pangarap.

Ang Picstagram na may halos kaparehong features ng Facebook ay madaragdagan ng iba pang profile para magpapaengayo pa sa mga users na gamitin ito.

May iniwan din siyang mensahe sa founder ng Facebook: “To Mr. Mark Zuckerberg, thank you for inspiring me and I hope you, too, can help me to do this project that we can label as proudly Pinoy.”

Read More : Pinoy sa Dubai, gumawa ng pantapat sa Facebook [ABS-CBN News]

Related posts

Share Your Thoughts

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Loading...